Frequently Asked Questions – Tagalog

Makakuha ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa thirdhand smoke!

Mayroon ka bang tanong tungkol sa thirdhand smoke pero hindi mo mahanap ang sagot dito? Magpadala ng e-mail sa contact@thirdhandsmoke.org

Paano ko maalis ang thirdhand smoke sa aking tahanan?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Nanunuot ang thirdhand smoke sa mga materyales at hindi madaling alisin mula sa mga lokasyon na may polusyon. Kabilang sa mga materyales na madaling kapitan ng kontaminasyon ng thirdhand smoke ay ang mga carpet, unan, upholstery, muwebles, sheetrock, drywall, sahig, at ang mga kisame. Nagiging napakahirap at napakamahal alisin ng pinsala ng thirdhand smoke sa mga imbakan na ito.

Isinagawa ang ilang pagsasaliksik upang matukoy ang mga pinakamainam na paraan upang alisin ang thirdhand smoke. Limitdo ang ebidensya ngunit umuunlad. Narito ang nalalaman namin sa kasalukuyan tungkol sa paglilinis at pag-aalis ng amoy:

Karaniwang paglilinis ng sambahayan sa mga ibabaw, sahig, tela, laruan, plato, at kubyertos.

  • Ang madalas at masusing paglilinis ng sambahayan ay makababawas sa latak ng thirdhand smoke na naipon sa mga ibabaw at sa alikabok. Ang prosesong ito ay nangangailangan ng madalas na pagba-vacuum nang may HEPA filter at palagiang pagpupunas/paglalaba/pagkuskos sa mga ibabaw nang may acid (hal., puting suka na ginagamit sa bahay) at alkaline (hal. Simple Green) na mga solution na panlinis. Laging sundin ang mga tagubilin ng mga tagagawa sa tamang paghahalo at paggamit ng mga solution na panlinis.
  • Ang mga damit, kumot, unan at mga telang laruan na nahawahan ng thirdhand smoke ay maaaring linisin sa washing machine. Depende kung gaano nahawahan ang mga tela, maaaring kailangan itong labahan nang maraming beses
  • Ang mga plato, kubyertos, at mga plastik na laruan na apektado ng thirdhand smoke ay maaaring linisin sa dishwasher. Depende kung gaano kalubha ang naging polusyon sa mga bagay, maaaring kailangang hugasan ang mga ito nang maraming beses.
  • Maraming bahagi ang mga tahanan na maaaring magkaroon ng polusyon na thirdhand smoke gaya ng mga tubo ng HVAC, ilalim ng lamesa, loob ng kabinet, likod ng istante ng libro, pader na natatakpan ng painting, kutson, upholstery at mga aparador.  Ang paglilinis sa mga nakatagong imbakan ng thirdhand smoke na ito sa tahanan ay makakabawas nang malaki sa presensya ng mga polusyon na thirdhand smoke. 
  • Kapag ang mga bagay na may polusyon ay hindi na malilinis, dapat isaalang-alang na palitan ang mga ito at itapon  (hal. mga tubo ng HVAC, mga kutson).

Babala: Maliban na ang mga nasa ilalim ng imbakan ng THS ay matanggal (hal. mga pader, muwebles, likod ng carpet), ang THS ay muling lalabas mula sa mga imbakan na ito at magpapatuloy ang polusyon sa palibot ng tahanan at sa alikabok.  

Mga Pader, Kisame at mga Sahig na Matindi ang Polusyon

  • Ang Trisodium Phosphate (TSP) ay ginagamit minsan ng mga propesyonal (hal., mga pintor, eksperto sa pagreremedyo) upang lutasin ang hindi maalis na latak ng thirdhand smoke. Ang pamamaraan na ito ay nangangailangan ng paghuhugas/pagkukuskos sa alinman at sa lahat ng mga ibabaw gaya ng mga pinto, sahig, kisame, dingding, baseboard, at mga floorboard bago lagyan ng mga primer at pintura. Ang TSP ay isang mapanganib na kemikal, at ang ligtas na paglalagay nito ay nangangailangan ng mga natatanging gamit at kagamitan para sa pansariling proteksyon. Ang pangmatagalang bisa ng mga pamamaraan sa paglilinis na ito ay kasalukuyang hindi lubusang nauunawaan at nakadepende sa kung gaano kalubha ang pinsala ng thirdhand smoke. Ang ganitong uri ng paglilinis ay nag-aalis sa mga naipong latak sa mga ibabaw. Gayunpaman, ang paglilinis gamit ang TSP ay hindi sapat sa pag-aalis ng latak ng thirdhand smoke na nanatili sa mga materyales gaya ng mga panel na kahoy, particle board, at drywall.
  • Pagkatapos linisin, ginagamit minsan ang mga espesyal na primer ng pintura (hal. gawa sa alkohol) bago ang muling pagpipintura.  Ang paghahanda at pagpipintura ay maaaring makapagkulong sa latak ng thirdhand smoke sa pader, ngunit hindi matatanggal ng pagpapatong ng pintura sa nakalantad na ibabaw ang mga polusyon ng thirdhand smoke. Gayunman, maaari, pansamantalang maalis nito ang lipas na amoy ng usok ng tabako. Ipinapahiwatig ng mga ulat tungkol sa pagtagos ng latak ng thirdhand smoke sa mga bagong pahid na pintura (hal. “pagkupas”) na walang katiyakan na ang pagpipintura ang permanenteng solusyon sa thirdhand smoke. Ang pansamantala at pangmatagalang bisa ng pamamaraan na ito ay hindi pa nauunawaan nang mabuti sa kasalukuyan.
  • Babala: Kapag ang mga pader, kisame, at mga sahig ay matindi ang polusyon dahil sa thirdhand smoke, malamang na ang mga pollutant ay nanuot sa drywall at mga panel ng kisame, sa mga utility duct, at sa insulasyon ng pader.  Ang pag-aalis ng mga pollutant mula sa ibabaw ng pader ay hindi nag-aalis sa mga pollutant na nanatili na sa materyales o sa likod ng pader. 


Ang Pag-aalis sa Lipas na Amoy ng Tabako ay HINDI nangangahulugan na naalis ang mga pollutant ng THS

  • Ang pagbabawas sa amoy ng thirdhand smoke ay hindi nagbibigay ng proteksyon sa mga indibidwal mula sa pagkalantad sa kemikal. Nalalaman natin na may mga compound ng kemikal sa hangin dahil sa amoy. Ang ilan sa mga mapanganib na kemikal ay walang amoy o kung minsan ay kanais-nais ang amoy, samantalang ang ibang mga kemikal na hindi mapanganib kung minsan ay may hindi kanais-nais na amoy. Bukod dito, ang ilan sa mga pollutant ng thirdhand smoke ay wala sa hangin kundi tumatagal ito sa palibot at sa alikabok.
  • Kabilang sa ilan sa mga pamamaraan ng pagtatanggal sa mga amoy ay ang panlilinlang sa pandama gamit ang kanais-nais na amoy para takpan ang hindi kanais-nais na amoy. Gayunpaman, hindi naaalis ng diskarteng ito ang anumang mga pollutant ng thirdhand smoke at maaaring maging mas nakaiirita ang kapaligiran dahil sa mga bagong compound ng kemikal na madadagdag sa hangin (hal. mga floral aerosol)

Mga Maling Pagkaunawa tungkol sa Paglilinis ng Thirdhand Smoke

  • Ang usok ng tabako ay mabilis na kumakalat sa buong silid, sa mga mga karatig na silid, sa mga tubo ng hangin at utility, at sa buong gusali.  Dahil ang thirdhand smoke ay napansin lamang sa isang silid, hindi iyon nangangahulugan na ang ibang mga silid ay hindi apektado.
  • Hindi naaalis ng paggamit ng pabango para takpan ang hindi kanais-nais na amoy ng lipas na usok ng tabako ang thirdhand smoke.
  • Ang mga “Odor Killer” ay maaaring gumana sa iyo upang hindi mo na maamoy ang mga hindi kaanis-nais na amoy. Hindi maaalis ng mga ito ang mga imbakan ng THS na sanhi ng amoy.
  • Ang pagpatay at pag-aalis sa organikong paglago (hal. amag, fungi, mga peste) ay hindi nakaaapekto sa mga kemikal na pollutant gaya ng thirdhand smoke. 
  • Ang laging malinis na mga air purifier na may mga HEPA filter ay epektibo sa pagtatanggal ng mga mapanganib na mga particle ng thirdhand smoke sa hangin. 
  • Gayunpaman, hindi epektibo ang mga ito sa pagtatanggal ng mga volatile at semi-volatile na mga compound ng kemikal na maaaring sumisingaw mula sa mga imbakan ng thirdhand smoke.  Ang pag-aalis sa volatile na mga compound ng kemikal mula sa hangin ay nangangailangan ng mga air purifier na may uling na pansala.
  • Ang pag-aalis ng mga pollutant ng thirdhand smoke sa hangin ay hindi nag-aalis sa mga ito sa paligid, sa loob ng mga materyales o sa alikabok.

Linisin, Palitan, Baguhin?

Ang paglilinis sa mga panloob na kapaligiran na may polusyon ng thirdhand smoke ay napakamahal.  Nakadepende ito kung gaano katagal at gaano karami ang paninigarilyo ng dating tumira at kung gaano karaming thirdhand smoke ang naipon.  Sa ilang mga kaso, ang paghuhugas at pagpupunas sa palibot at pagpapalit ng mga carpet at muwebles ay maaaring sapat na.  Kapag ginamit ang tabako sa panloob na espasyo nang paulit-ulit sa loob ng mahabang panahon, ang maraming naimbak na mga kemikal ng thirdhand smoke ay nanunuot sa mga materyales sa gusali (hal. drywall, insulation) — bilang karagdagan sa tumatagal sa palibot. Sa kasong ito, ang mga materyales sa pagtatayo ay kailangang palitan nang tuluyan at maaaring kailanganin ang ganap na pagsasaayos.


Binago: Hunyo 2022


Mga Pinagkunan:

 

Ask This Old House. Understanding Thirdhand Smoke. Home Safety Videos. Retrieved from: https://www.thisoldhouse.com/home-safety/21249597/understanding-thirdhand-smoke

Bahl V, Jacob P, 3rd, Havel C, Schick SF, Talbot P. Thirdhand cigarette smoke: factors affecting exposure and remediation. PloS one. 2014;9(10):e108258. doi: 10.1371/journal.pone.0108258. PubMed PMID: 25286392; PMCID: 4186756.

Matt GE, Quintana PJE, Hoh E, Zakarian JM, Dodder NG, Record RA, Hovell MF, Mahabee-Gittens EM, Padilla S, Markman L, Watanabe K, Novotny TE. Remediating Thirdhand Smoke Pollution in Multiunit Housing: Temporary Reductions and the Challenges of Persistent Reservoirs. Nicotine Tob Res. 2021;23(2):364-72. Epub 2020/08/18. doi: 10.1093/ntr/ntaa151. PubMed PMID: 32803265; PMCID: PMC7822102.

Matt GE, Hoh E, Quintana PJE, Zakarian JM, Arceo J. Cotton pillows: A novel field method for assessment of thirdhand smoke pollution. Environ Res. 2019;168:206-10. Epub 2018/10/15. doi: 10.1016/j.envres.2018.09.025. PubMed PMID: 30317105.

Matt GE, Quintana PJ, Zakarian JM, Fortmann AL, Chatfield DA, Hoh E, Uribe AM, Hovell MF. When smokers move out and non-smokers move in: residential thirdhand smoke pollution and exposure. Tob Control. 2011;20(1):e1. doi: 10.1136/tc.2010.037382. PubMed PMID: 21037269; PMCID: 3666918.

Sleiman M, Destaillats H, Smith JD, Liu C, Ahmed M, Wilson KR Gundel LA. Secondary organic aerosol formation from ozone-initiated reactions with nicotine and secondhand tobacco smoke. Atmos Env. 2010; 44:4191-4198.

Sa anong mga palibot kumakapit ang thirdhand smoke?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

 

Bagaman tila naglalaho ang usok sa hangin pagkatapos manigarilyo ang isang tao, ang thirdhand smoke ay nananatili sa palibot, sa alikabok, at sa mga bagay. Sa paglipas ng panahon, ang thirdhand smoke ay nananatili sa mga materyales at dumikit sa halos anumang palibot sa loob, kabilang ang mga pader, carpet, bintana, at mga pinto. Ang thirdhand smoke ay maaari ding kumapit sa mga karaniwang bagay, gaya ng muwebles, mga libro, laruan, plato, kubyertos, kurtina, kumot, at mga unan. Maaari din itong kumapit sa balat, buhok, at sa kasuotan. Sa isang kapaligiran kung saan ang tabako ay regular na sinisigarilyo sa loob ng ilang taon, malamang na kontaminado ng thirdhand smoke ang bawat palibot at bagay. Kabilang dito ang mga nakatagong bahagi na hindi natin kadalasang nakikita, gaya ng ilalim ng lamesa, loob ng mga aparador at ng mga drawer, ang malambot na materyales sa ilalim ng carpet, wallboard, at insulation ng pabahay. Ang ilang mga palibot, gaya ng drywall, mga carpet, at mga unan, ay nagsisilbing parang espongha na sumisipsip sa tubig, at nag-iimbak ng mga nakalalasong kemikal ng thirdhand smoke. Katulad kung paano sumisingaw ang tubig mula sa basang espongha, ang mga kemikal na ito ay maaaring bumalik sa hangin sa kalaunan o maisalin sa pamamagitan ng paghawak, na humahantong sa masamang pagkalantad sa sinigarilyong tabako pagkalipas ng mahabang panahon. Ang thirdhand smoke ay maaari ding mailipat sa ibang lugar, halimbawa kapag ang muwebles ay inilipat mula sa tahanan kung saan may isang taong naninigarilyo patungo sa ibang tahanan o kapag ang isang tao ay pumasok sa loob kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo pagkatapos ng pagpapahinga para manigarilyo.

Binago: Hunyo 2022

Mga Pinagkunan:

Matt GE, Hoh E, Quintana PJE, Zakarian JM, Arceo J. Cotton pillows: A novel field method for assessment of thirdhand smoke pollution. Environ Res. 2019;168:206-10

Matt, G. E., Quintana, P. J., Hovell, M. F., Chatfield, D., Ma, D. S., Romero, R., & Uribe, A. (2008). Residual tobacco smoke pollution in used cars for sale: air, dust, and surfaces. Nicotine Tob Res, 10(9), 1467-1475. doi:10.1080/14622200802279898.

Matt GE, Quintana PJE, Zakarian JM, Hoh E, Hovell MF, Mahabee-Gittens M, Watanabe K, Datuin K, Vue C, Chatfield DA. When smokers quit: exposure to nicotine and carcinogens persists from thirdhand smoke pollution. Tob Control. 2016;26(5):548-556. doi: 10.1136/tobaccocontrol-2016-053119.

Schick SF, Farraro KF, Perrino C, Sleiman M, van de Vossenberg G, Trinh MP, Hammond SK, Jenkins BM, Balmes J. Thirdhand cigarette smoke in an experimental chamber: evidence of surface deposition of nicotine, nitrosamines and polycyclic aromatic hydrocarbons and de novo formation of NNK. Tob Control. 2014;23(2):152-9.

Ano ang ibig sabihin kapag nakakaamoy tayo ng lumang usok ng tabako?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.
Nakapasok na ba kayo sa isang silid at nakaamoy ng lumang usok ng tabako? O kaya naman ay naamoy ito noong may dumaan?  Ang amoy ng lumang usok ng sigarilyo--kahit na walang naninigarilyo--ay senyales ng thirdhand smoke. Habang tayo ay humihinga, nakikilala ng mga receptor ng amoy sa ating ilong ang mga kemikal sa thirdhand smoke at nagpapahiwatig ang mga ito sa ating utak upang matukoy natin na may lumang usok ng tabako.  

 

Kapag nakakaamoy tayo ng lumang usok ng tabako, nangangahulugan ito na ang mga pollutant na thirdhand smoke ay natangay ng hangin mula sa mga lugar kung saan sila naipon. Habang nilalanghap natin ang maruming hanging ito, nagpapapasok tayo ng mga pollutant na thirdhand smoke sa ating katawan. Ang mga pollutant na thirdhand smoke ay may taglay na mga kemikal na maaaring makairita sa maraming organo sa ating katawan (kabilang ang ilong, lalamunan, baga, atay, at balat), nagdudulot ng pamamaga, nakakapinsala sa normal na paggana ng selyula, nakakasira sa DNA, at sanhi ng kanser sa mga tao

 

Kahit na hindi tayo nakakaamoy ng usok ng tabako, maaaring naroroon pa rin ang thirdhand smoke. Ang ating pang-amoy ay mahusay na sistema ng babala, ngunit naaamoy lamang natin ang isang amoy kapag ang dami ng kemikal ay mas mataas sa antas na maaaring matukoy ng ating mga ilong. Maaaring hindi natin maamoy ang thirdhand smoke na mas mababa sa antas na ito, ngunit hindi ito nangangahulugan na walang nakakalason na thirdhand smoke sa lugar. Upang higit pang gawing kumplikado ang mga bagay, ang ilan sa mga kemikal sa thirdhand smoke ay walang amoy; hindi natin maamoy ang mga ito kahit gaano pa karami ang naroroon. 

 

Samakatuwid, bagama't ang amoy ng lumang usok ng tabako ay isang mahusay na pahiwatig ng thirdhand smoke, maaari pa rin tayong malantad sa mga nakakapinsalang kemikal na ito kahit na hindi natin mapansin ang mga ito.

 

Mga Pinagkunan:

 

Hang B, Wang P, Zhao Y, Sarker A, Chenna A, Xia Y, Snijders AM, Mao JH. Adverse health effects of thirdhand smoke: From cell to animal models. Int J Mol Sci. 2017 Apr 28;18(5). pii: E932.

 

Martins-Green M, Adhami N, Frankos M, Valdez M, Goodwin B, Lyubovitsky J, Dhall S, Garcia M, Egiebor I, Martinez B, Green HW, Havel C, Yu L, Liles S, Matt  G, Destaillats HSleiman MGundel LA, Benowitz N, Jacob III P, Hovell M, J.P. Winickoff, M. Curras-Collazo. Cigarette smoke toxins deposited on surfaces: Implications for human health. PLoS One. 2014:9:1:e86391.

 

Matt GE, Quintana PJE, Zakarian JM, Hoh E, Hovell MF, Mahabee-Gittens M, Watanabe K, Datuin K, Vue C, Chatfield DA. When smokers quit: exposure to nicotine and carcinogens persists from thirdhand smoke pollution. Tob Control. 2016; 26(5):548-556.

 

Matt GE, Quintana PJ, Zakarian JM, Fortmann AL, Chatfield DA, Hoh E, Uribe AM, Hovell MF. When smokers move out and non-smokers move in: residential thirdhand smoke pollution and exposure. Tob Control. 2011;20(1):e1.

 

Pozuelos G, Kagda M, Schick S, Girke T, Volz DC, Talbot P. Acute exposure to thirdhand smoke leads to rapid changes in the human nasal epithelial transcriptome. JAMA Network Open. 2019. 2(6):e196362. doi:10.1001/jamanetworkopen.2019.6362

Na-update: Setyembre 2022

Ano ang thirdhand smoke?

Ang maikling sagot:

Ang thirdhand smoke ay ang latak na kemikal na naiwan ng secondhand smoke na tumatagal ng ilang buwan sa alikabok at sa palibot ng tahanan. Maaari din itong manatili sa mga carpet, muwebles, tela, at mga materyales sa gusali, kaya nagiging imbakan ng polusyon ang mga ito.Kilala rin bilang "tobacco smoke residue" o "stale tobacco smoke", ang paghahalo ng mga polusyon sa thirdhand smoke ay nakalalason sa mga tao, lalo na sa mga bata.

Ang mahabang sagot:

Ang thirdhand smoke ay ang latak na kemikal na hindi maalis pagkatapos maglaho ang secondhand smoke ng tabako sa hangin. Ang secondhand smoke ay ang kombinasyon ng usok na nagmumula sa sigarilyo at ang usok na ibinubuga ng mga naninigarilyo. Ang thirdhand smoke ay hindi lamang basta usok, kundi ang paghahalo ng mga nakalalasong kemikal na kumakapit sa palibot, nananatili sa mga materyales, gaya ng carpet, pader, muwebles, kumot, at mga laruan, at sa kalaunan ay ilalabas muli pabalik sa hangin at sa naipong alikabok sa bahay. Ang thirdhand smoke ay maaaring tumagal ng ilang taon sa loob ng bahay. Maaaring malantad ang mga tao sa thirdhand smoke sa pamamagitan ng paghawak sa mga kontaminadong palibot (pagsipsip sa pamamagitan ng balat), sa pagkain ng mga kontaminadong bagay o alikabok, at sa paghinga ng kontaminadong hangin at muling paglutang ng mga bumubuo sa thirdhand smoke.

Pinagtibay ng U.S. Surgeon General na walang ligtas na antas ng pagkalantad sa usok ng tabako. Inuri ng California Air Resource Board ang secondhand smoke bilang nakalalasong contaminant sa hangin. Dahil sa ang secondhand smoke ay humahantong sa thirdhand smoke, hindi nakagugulat na ang napakaraming sangkap ng secondhand smoke ay matatagpuan din sa thirdhand smoke, gaya ng mga carcinogen sa tao, nakalalason sa reprodutikbo, at mga nakalalason sa paglaki (gaya ng tinukoy ng California’s Proposition 65 at ng International Agency for Cancer Research). Ang ilang mga kemikal sa thirdhand smoke ay hindi matatagpuan sa bagong bugang usok ng tabako dahil resulta ang mga ito ng kemikal na pagbabago sa mga bumubuo sa usok ng tabako sa kapaligiran.

Binago: Hunyo 2022

Mga Pinagkunan:

Matt, G. E., P. J. Quintana, H. Destaillats, L. A. Gundel, M. Sleiman, B. C. Singer, P. Jacob, N. Benowitz, J. P. Winickoff, V. Rehan, P. Talbot, S. Schick, J. Samet, Y. Wang, B. Hang, M. Martins-Green, J. F. Pankow, and M. F. Hovell. 2011. “Thirdhand tobacco smoke: emerging evidence and arguments for a multidisciplinary research agenda.”  Environ Health Perspect 119 (9):1218-26. doi: 10.1289/ehp.1103500.

 

Jacob, P., 3rd, N. L. Benowitz, H. Destaillats, L. Gundel, B. Hang, M. Martins-Green, G. E. Matt, P. J. Quintana, J. M. Samet, S. F. Schick, P. Talbot, N. J. Aquilina, M. F. Hovell, J. H. Mao, and T. P. Whitehead. 2017. “Thirdhand Smoke: New Evidence, Challenges, and Future Directions.”  Chem Res Toxicol 30 (1):270-294. doi: 10.1021/acs.chemrestox.6b00343.

 

Sleiman M, Destaillats H, Smith JD, Liu C, Ahmed M, Wilson KR Gundel LA. Secondary organic aerosol formation from ozone-initiated reactions with nicotine and secondhand
tobacco smoke. Atmos Env. 2010; 44:4191-4198.

 

California Environmental Protection Agency, Air Resources Board, Office of Environmental Health Hazard Assessment. Technical support document for the “Proposed Identification of Environmental Tobacco Smoke as a Toxic Air Contaminant, Part A. http://www.arb.ca.gov/regact/ets2006/ets2006.htm

 

U.S. Department of Health and Human Services. 2006. The Health Consequences of Involuntary Exposure to Tobacco Smoke: A Report of the Surgeon General. Available: http://www.surgeongeneral.gov/library/secondhandsmoke/

 

State of California, Environmental Protection Agency. Chemicals Known to the State to Cause Cancer or Reproductive Toxicity. Office of Environmental Health Hazard Assessment. February 25, 2022. https://oehha.ca.gov/proposition-65/proposition-65-list



Ano ang nalaman namin tungkol sa mga panganib sa kalusugan ng thirdhand smoke?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Ang secondhand smoke ay naglalaman ng libo-libong kemikal sa anyo ng mga gas at napakaliit at mga kumakapit na particle. Marami sa mga pollutant na ito ay kilala bilang sanhi ng kanser at sakit sa puso at nakapipinsala sa iyong baga at sa kalusugan ng reproduktibo.  Ang thirdhand smoke ay naglalaman ng bahagi ng mga particle na ito at mga gas na kayang tumagal ng maraming taon sa mga carpet, pader, muwebles, at iba pang mga bagay at materyales.

Napapadikit ang mga tao at mga alagang hayop sa thirdhand smoke kapag ang kanilang mga balat ay lumapat sa palibot kung saan nakolekta ang thirdhand smoke. Maaaring malanghap ng isang tao ang mga pollutant mula sa mga gas ng thirdhand smoke at mga particle sa hangin, o sa pamamagitan ng paglunok sa latak ng thirdhand smoke mula sa mga bagay na inilalagay nila sa kanilang bibig.

Ipinapakita ng limang mga pangunahing linya ng pagsasaliksik ang epekto ng pagkalantad sa thirdhand smoke sa kalusugan ng tao.

1) Pagsasaliksik sa mga epekto ng mga kemikal na natagpuan sa thirdhand smike:

Ang thirdhand smoke ay naglalaman ng ilan sa parehong nakalalasong mga kemikal gaya ng first- at secondhand smoke, kabilang ang mga nitrosamine, polycyclic aromatic hydrocarbon, heavy metal, nicotelline na partikular sa tabako, at sobrang pino na mga particle na nasa pagitan ng diametro <0.10 µm. Napakaraming ebidensya na ang pagkalantad sa mga magkakahalong nakalalason na kemikal na ito at sa bagay na sobrang pinong particle ay masama sa kalusugan ng tao.  Ang ilan sa mga kemikal na ito ay itinala ng International Agency for Research on Cancer ng WHO (https://monographs.iarc.who.int/).   Hinihingi ng batas ng California na ang higit sa 25 na mga pollutant na matatagpuan sa thirdhand smoke ay itala sa ilalim ng Prop 65 dahil ang mga ito ay kilalang nagiging sanhi ng kanser, depekto sa kapanganakan o iba pang pinsala sa reproduktibo (https://oehha.ca.gov/proposition-65).

2) Pagsasaliksik sa epekto ng pagkalantad sa thirdhand smoke sa mga selula ng tao sa ilalim ng kontroladong mga kondisyon sa laboratoryo:

Ipinapakita ng mga pag-aaral sa mga selula ng tao na ang pagkalantad sa thirdhand smoke ay maaaring direktang makapinsala sa DNA (hal. nasisira ang hibla ng DNA), ang natagpuang genetikong materyal sa halos bawat selula sa katawan ng tao na naglalaman ng giya na kailangan ng ating mga selula upang bumuo, gumana, lumaki, at magparami.  Ang thirdhand smoke ay nagiging sanhi ng oxidative stress sa mga selula ng tao, na nagiging sagabal sa normal na paggana at mekanismo sa pagkukumpuni ng mga ito.  Sa pag-iral ng mga kemikal ng thirdhand smoke, ang kakayahan ng selula ng tao na magpanumbalik at kumpunihin ang sarili nito ay humihina.

3) Pagsasaliksik sa pag-iral ng thirdhand smoke at ang pagkalantad ng tao sa thirdhand smoke sa totoong buhay na kalagayan:

Ang pag-iral at hindi maalis na thirdhand smoke ay ipinakita sa maraming iba't ibang kalagayan na ipinagbabawal ang sigarilyo. Kabilang sa mga ito ang: tahanan para sa isang pamilya, maramihang yunit ng pabahay para sa may mababang kita, mga mamahaling condominium, mga tahanan ng hindi naninigarilyo na ipinagbabawal ang paninigarilyo, mga tahanan ng naninigarilyo matapos nilang itigil ang paninigarilyo, mga tahanan pagkatapos umalis ang mga naninigarilyo, mga silid sa hotel na ipinagbabawal ang paninigarilyo, mga pampublikong lugar, at pampublikong transportasyon. Ipinapakita na ang mga taong naninirahan sa mga ganitong kalagayan ay nakalantad sa mga nakalalasong sangkap ng thirdhand smoke. Ang ebidensiya ng pagkalantad ay batay sa pag-iral ng mga biomarker ng thirdhand smoke sa ihi, dugo o sa laway.  Ipinapakita na ang mga kasisilang, sanggol, bata at mga may sapat na gulang na hindi naninigarilyo na naninirahan sa mga kapaligirang may polusyon ng thirdhand smoke ay may mga nakalalasong thirdhand smoke sa kanilang mga katawan.

4) Pagsasaliksik sa epekto ng pagkalantad sa thirdhand smoke na isinagawa sa mga hayop sa ilalim ng kontroladong mga kondisyon sa laboratoryo:

Noong 1953, isinagawa ang isa sa mga pinakaunang pag-aaral ng thirdhand smoke sa hayop, na nagpapakitang nagkaroon ng kanser sa balat ang daga nang ipahid sa balat nito ang latak ng thirdhand smoke. Ipinapakita sa pinaka bagong pag-aaral na ang daga na nalantad sa thirdhand smoke sa pamamagitan ng materyales ng pinaglalagyan sa kanila ay mayroon ng mga sumusunod na sintomas:

  • mabagal na paghilom ng sugat
  • pamamaga ng baga
  • mataas na antas ng taba sa atay
  • mataas na antas ng asukal sa dugo
  • nadagdagan ang pamumuo ng dugo
  • hyperactive na pag-uugali
  • mababang timbang pagkatapos maipanganak
  • mataas na antas ng LDL (“masama”) na kolesterol at mababang antas ng HDL (“mabuti”) na kolesterol

5) Pagsasaliksik na isinagawa sa mga tao sa mga laboratoryo at sa mga totoong buhay na kalagayan:

Pinag-aralan ng mga Mananaliksik sa University of California San Francisco ang mga epekto ng pagkalantad sa thirdhand smoke sa mga taong boluntaryo na malusog, hindi naninigarilyo sa laboratoryo na kalagayan. Pinagtibay nila na pagkatapos lamang ng tatlong oras ng pagkalantad sa thirdhand smoke, may napinsala na sa mga selula sa baga ng kalahok.

Napag-alaman ng mga Mananaliksik mula sa Cincinnati Children’s Hospital at San Diego State University na ang mga batang nakalantad sa thirdhand smoke ay mas malamang na masuri na may sakit sa pulmonary, kumakalat/iba pang nakahahawang sakit, at impeksyon sa bakterya.

Buod

Ipinapakita ng ebidensya mula sa mga eksperimento sa laboratoryo sa mga selula ng tao at hayop, kontroladong mga pag-aaral sa mga malulusog na tao, at sa pag-aaral sa totoong buhay na kalagayan na ang thirdhand smoke ay

  • naglalaman ng mga kemikal na nakalalason sa mga tao
  • na hindi naaalis sa kapaligiran
  • na maaaring masama ang dulot sa maraming organo sa katawan ng tao.

Binago: September 2022

Mga Pinagkunan:

Hang B, Wang P, Zhao Y, Sarker A, Chenna A, Xia Y, Snijders AM, Mao JH. Adverse health effects of thirdhand smoke: From cell to animal models. Int J Mol Sci. 2017;18(5). pii: E932. doi: 10.3390/ijms18050932.

Jacob P 3rd, Benowitz NL, Destaillats H, Gundel L, Hang B, Martins-Green M, Matt GE, Quintana PJ, Samet JM, Schick SF, Talbot P, Aquilina NJ, Hovell MF, Mao JH, Whitehead TP. Thirdhand Smoke: New Evidence, Challenges, and Future Directions. Chem Res Toxcicol. 2017;30(1):270-294. doi: 10.1021/acs.chemrestox.6b00343. Epub 2016 Dec.

Martins-Green M, Adhami N, Frankos M, Valdez M, Goodwin B, Lyubovitsky J, Dhall S, Garcia M, Egiebor I, Martinez B, Green HW, Havel C, Yu L, Liles S, Matt  G, Destaillats HSleiman MGundel LA, Benowitz N, Jacob III P, Hovell M, J.P. Winickoff, M. Curras-Collazo. Cigarette smoke toxins deposited on surfaces: Implications for human health. PLoS One. 2014:9:1:e86391.

Mahabee-Gittens EM, Merianos AL, Jandarov RA, Quintana PJE, Hoh E, Matt GE. Differential associations of hand nicotine and urinary cotinine with children’s exposure to tobacco smoke and clinical outcomes. Environ Res. 2021 Nov;202:111722. doi: 10.1016/j.envres.2021.111722. Epub 2021 Jul 21. PMID: 34297932; PMCID: PMC8578289.

Matt GE, Quintana PJ, Zakarian JM, Fortmann AL, Chatfield DA, Hoh E, Uribe AM, Hovell MF. When smokers move out and non-smokers move in: Residential thirdhand smoke pollution and exposure. Tob Control. 2011;20(1):e1.

Matt GE, Quintana PJE, Zakarian JM, Hoh E, Hovell MF, Mahabee-Gittens M, Watanabe K, Datuin K, Vue C, Chatfield DA. When smokers quit: Exposure to nicotine and carcinogens persists from thirdhand smoke pollution. Tob Control. 2017;26(5):548-556.

Matt GE, Quintana PJ, Fortmann AL, Zakarian JM, Galaviz VE, Chatfield DA, Hoh E, Hovell MF, Winston C. Thirdhand smoke and exposure in California hotels: Non-smoking rooms fail to protect non-smoking hotel guests from tobacco smoke exposure. Tob Control. 2014;23(3):264-72.

Matt GE, Quintana PJE, Hoh E, Zakarian JM, Chowdhury Z, Hovell MF, Jacob P, Watanabe K, Theweny TS, Flores V, Nguyen A, Dhaliwal N, Hayward G. A Casino goes smoke free: A longitudinal study of secondhand and thirdhand smoke pollution and exposure. Tob Control. 2018. Epub 2018/02/14.

Matt GE, Fortmann AL, Quintana PJ, Zakarian JM, Romero RA, Chatfield DA, Hoh E, Hovell MF. Towards smoke-free rental cars: An evaluation of voluntary smoking restrictions in California. Tob Control. 2013;22(3):201-207.

Matt GE, Quintana PJ, Hovell MF, Chatfield D, Ma DS, Romero R, Uribe A. Residual tobacco smoke pollution in used cars for sale: Air, dust, and surfaces. Nicotine Tob Res. 2008;10(9):1467-1475.

Pozuelos G, Kagda M, Schick S, Girke T, Volz DC, Talbot P. Acute exposure to thirdhand smoke leads to rapid changes in the human nasal epithelial transcriptome. JAMA Network Open. 2019. 2(6):e196362. doi:10.1001/jamanetworkopen.2019.6362

Wynder EL, Graham EA, Croninger AB. 1953. Experimental production of carcinoma with cigarette tar. Cancer Res. 13, 855-64.

Anong mga produktong tabako ang nag-aambag sa thirdhand smoke?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Hindi lamang ang mga sigarilyo ang pinagmumulan ng thirdhand smoke. Ang anumang produktong tabako, kabilang ang mga sigarilyo, cigar, cigarillo, little cigar, pipa, electronikong sigarilyo, water pipe (tinatawag minsan na hookah o shisha), natutunaw na produkto, at mga walang usok na produktong tabako gaya ng chew, spit, snuff, at snus, ay maaaring pagmulan ng thirdhand smoke. 

Ang mga produktong tabako ay ginawa mula sa mga dahon ng halamang tabako. Ang ilan sa mga nakalalasong kemikal sa usok ng tabako ay likas na nagmumula sa halamang tabako, ang iba ay idinaragdag o nalilikha sa panahon ng proseso ng pagmamanupaktura, at nabubuo ang iba kapag sinusunog ang tabako.

Ang lahat ng mga produktong tabako ay maaaring mag-iwan ng latak na kemikal. Mas madalas na pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang latak na lason mula sa mga nasusunog na produkto, gaya ng mga sigarilyo, cigar, at mga pipa at hookah. Gayunpaman, kahit ang mga produktong tabako na hindi nasusunog ay naiuugnay sa thirdhand smoke. Nakita sa isang pag-aaral ang ebidensyang nagpapahiwatig na ang thirdhand smoke mula sa vaping ay naiuugnay sa mga isyu sa paglaki kapag nalantad ang maliit na daga. Ang mas mataas na antas ng thirdhand smoke ay natagpuan sa mga panloob na kapaligiran kung saan ang mga residente ay gumagamit ng walang usok na tabako mga elektronikong sigarilyo, at marihuwana. 

Binago Augusto 2022

Mga Pinagkunan:

Chen, H., Li, G., Allam, V. S. R. R., Wang, B., Chan, Y. L., Scarfo, C., Ueland, M., Shimmon, R., Fu, S., Foster, P., & Oliver, B. G. (2020). Evidence from a mouse model on the dangers of thirdhand electronic cigarette exposure during early life. ERJ Open Research, 6(2), 00022–02020. https://doi.org/10.1183/23120541.00022-2020.

Goniewicz ML, Lee L. Electronic cigarettes are a source of thirdhand exposure to nicotine. Nicotine Tob Res. 2015; 17(2):256-258. Published online 2014 August 30. 

Jacob P 3rd, Benowitz NL, Destaillats H, Gundel L, Hang B, Martins-Green M, Matt GE, Quintana PJ, Samet JM, Schick SF, Talbot P, Aquilina NJ, Hovell MF, Mao JH, Whitehead TP. Thirdhand Smoke: New Evidence, Challenges, and Future Directions. Chem Res Toxicol. 2017;30(1), 270-294.  

Marcham CL, Floyd EL, Wood BL, Arnold S, & Johnson DL. (2019). E-cigarette nicotine deposition and persistence on glass and cotton surfaces. Journal of occupational and environmental hygiene, 16(5), 349–354. https://doi.org/10.1080/15459624.2019.1581366

Sempio C, Lindley E, Klawitter J, Christians U, Bowler RP, Adgate JL, Allshouse W, Awdziejczyk L, Fischer S, Bainbridge J, Vandyke M, Netsanet R, Crume T, Kinney GL. Surface detection of THC attributable to vaporizer use in the indoor environment. Sci Rep. 2019; 9(1):18587. doi: 10.1038/s41598-019-55151-5.

Son Y, Giovenco DP, Delnevo C, Khlystov A, Samburova V, Meng Q. Indoor air quality and passive e-cigarette aerosol exposures in vape-shops [published online ahead of print, 2020 May 23]. Nicotine Tob Res. 2020;ntaa094. doi:10.1093/ntr/ntaa094

Yeh, K., Li, L., Wania, F., & Abbatt, J. P. (2022). Thirdhand smoke from tobacco, e-cigarettes, cannabis, methamphetamine and cocaine: Partitioning, reactive fate, and human exposure in indoor environments. Environment International, 160, 107063. https://doi.org/10.1016/j.envint.2021.107063

Paano ako malalantad sa thirdhand smoke?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

May ilang iba't ibang paraan na maaaring malantad ang mga tao sa thirdhand smoke:

Sa Pamamagitan ng Paghawak

Maaaring malantad ang mga tao sa thirdhand smoke kapag ang kanilang balat ay lumapat sa ibabaw na may polusyon. Ang gayong mga ibabaw ay maaaring ang manibela ng kotse, mga damit, kumot, lamesa, laruan o upuan. Mula sa may polusyon na ibabaw, ang mga kemikal ng thirdhand smoke ay maaaring kumapit sa iyong balat, pumasok sa daluyan ng dugo, at kumalat sa iyong katawan, kung saan maaaring mapinsala ng mga ito ang iyong DNA, sistemang imyuno, at ang sistemang sirkulatoryo. Kung sa tingin mo ay nahawakan mo ang mga ibabaw na kontaminado ng thirdhand smoke, hugasan ang iyong mga kamay kaagad.

Sa Pamamagitan ng Paghinga 

Posible na malanghap ang mga kemikal ng thirdhand smoke at ang mga maliliit na butil na nakalutang sa hangin. Maaaring lumabas ang thirdhand smoke mula sa kasuotan, muwebles, mga carpet, pader o mga unan. Kapag nangyari ang paglabas ng kemikal na ito, maaari nating maamoy minsan ang lipas na usok ng tabako – ngunit hindi palagi. Kapag naamoy mo ang lipas na usok ng tabako, hindi lamang iyon masamang amoy. Ito ay pinaghalong mga nakalalasong kemikal na pumapasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng baga.

Sa Pamamagitan ng Pagpasok sa Bibig

Maaaring malunok ng mga tao ang thirdhand smoke kapag inilagay nila ang mga bagay na may polusyon ng thirdhand smoke (hal. mga laruan, baso, kasangkapan, daliri) sa kanilang mga bibig. Ang mga malilit na bata ang may pinakamataas na panganib na malunok ang thirdhand smoke dahil isinusubo nila ang maraming bagay, lalo na kapag nagngingipin.

Binago Augusto 2022

Mga Pinagkunan:

Matt GE, Merianos AL, Quintana PJE, Hoh E, Dodder NG, Mahabee-Gittens EM. Prevalence and Income-Related Disparities in Thirdhand Smoke Exposure to Children. JAMA Netw Open. 2022;5(2):e2147184. doi:10.1001/jamanetworkopen.2021.47184

Matt GE, Quintana PJ, Zakarian JM, Fortmann AL, Chatfield DA, Hoh E., et al. When smokers move out and non-smokers move in: residential thirdhand smoke pollution and exposure. Tob. Control. 2011; 20. e1 10.1136/tc.2010.037382.

Jacob P, Benowitz NL 3rd, Destaillats H, Gundel L, Hang B, Martins-Green M, et al. Thirdhand smoke: new evidence, challenges, and future directions. Chem. Res. Toxicol. 2017; 30:270–294. 10.1021/acs.chemrestox.6b00343.

Tang X, Benowitz N, Gundel L, Hang B, Havel CM, Hoh E, Jacob P, Mao Jian-Hua, Martins-Green Manuela, Matt GE, Quintana PJ, Russell M, Sarker Altaf, Schick S, Snijders A, and Destaillats H. Thirdhand Exposures to Tobacco-Specific Nitrosamines through Inhalation, Dust Ingestion, Dermal Uptake, and Epidermal Chemistry. Environ. Sci. Technol. 2022; https://doi.org/10.1021/acs.est.2c02559.

Hanggang kailan nagtatagal ang thirdhand smoke?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Sa mga tahanan kung saan ang tabako ay regular na sinisigarilyo sa loob ng maraming taon, ang latak ng thirdhand smoke ay malamang na manatili sa mga materyales sa buong bahay. Ang mga imbakan ng polusyon na ito may maaaring napakahirap alisin. Halimbawa, natagpuan namin ang thirdhand smoke sa palibot ilang taon pagkatapos ng nalalaman na huling paninigarilyo. 

Sa isang kaso, pagkatapos umalis ng taong nanigarilyo sa bahay, nilinis at nanatiling bakante ang bahay sa loob ng ilang buwan. Gayunpaman, ang mga antas ng thirdhand smoke sa palibot ng sambahayan ay katulad ng natagpuan sa mga tahanan na may aktibong naninigarilyo. 

Sa pangalawang kaso, ang isang taong nakagawian na ang isang pekete kada araw sa kanyang buong buhay ay matagumpay na huminto. Makalipas higit sa limang taon, ang mga antas ng thirdhand smoke sa muwebles sa kanilang sambahayan ay kasing dami ng karaniwang matatagpuan sa mga tahanan na may mga aktibong naninigarilyo.

Sa pag-aaral kamakailan, natagpuan ang thirdhand smoke sa bawat apartment na sinuri (220) na may mga tenant na hindi naninigarilyo sa mga apartment na bawal ang sigarilyo. Sa mga sinuri na iyon, mga 10% ang may mga antas ng thirdhand smoke sa palibot na katulad sa dami ng natagpuan sa mga apartment kung saan may mga taong aktibong naninigarilyo sa loob. Ang nakalalasong latak ng thirdhand smoke ay laganap at hindi naaalis. Bagaman mahirap alisin ang umiiral na thirdhand smoke, magagamit ang gabay sa ibaba. Upang maiwasang maipon ang thirdhand smoke sa iyong tahanan, huwag payagan ang sinuman na manigarilyo sa loob o malapit sa iyo, sa iyong tahanan, o sa iyong sasakyan.

Binago Augusto 2022

Mga Pinagkunan:

Matt GE, Quintana PJE, Hoh E, Zakarian J, Dodder NG, Record R., Hovell M, Mahabee-Gittens M, Padilla S, Markman L, Watanabe K, Novotny T, Persistent tobacco smoke residue in multiunit housing: Legacy of permissive indoor smoking policies and challenges in the implementation of smoking bans, Preventive Medicine Reports, Volume 18, 2020, 101088, ISSN 2211-3355, https://doi.org/10.1016/j.pmedr.2020.101088.

Matt GE, Quintana PJE., Hoh E, Zakarian J, Dodder N, Record R., Hovell M, Mahabee-Gittens M, Padilla S, Markman L, Watanabe K, Novotny T, Persistent tobacco smoke residue in multiunit housing: Legacy of permissive indoor smoking policies and challenges in the implementation of smoking bans, Preventive Medicine Reports, Volume 18, 2020, 101088, ISSN 2211-3355, https://doi.org/10.1016/j.pmedr.2020.101088.

Matt, GE, Quintana PJE., Hovell M, Chatfield D, Ma D, Romero R, Uribe A, Residual tobacco smoke pollution in used cars for sale: Air, dust, and surfaces, Nicotine & Tobacco Research, Volume 10, Issue 9, September 2008, Pages 1467–1475, https://doi.org/10.1080/14622200802279898.

Matt GE, Quintana PJE, Zakarian JM, Fortmann A, Chatfield D, Hoh E, Uribe A, Hovell M. When smokers move out and non-smokers move in: residential thirdhand smoke pollution and exposure, Tobacco Control, 2011;20:el, http://dx.doi.org/10.1136/tc.2010.037382.

Matt GE, Quintana PJE, Zakarian JM, Hoh E, Hovell M, Mahabee-Gittens M, Watanabe K, Datuin K, Vue C, Chatfield D. When smokers quit: exposure to nicotine and carcinogens persists from thirdhand smoke pollution, Tobacco Control, 2017;26:548-556, http://dx.doi.org/10.1136/tobaccocontrol-2016-053119.

Paano ko mapoprotektahan ang aking anak mula sa naiwang usok mula sa paninigarilyo ng ibang tao (thirdhand smoke)?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Ang mga sanggol at maliliit na bata ang may pinakamalaking panganib na malantad sa thirdhand smoke. Narito ang ilang simpleng hakbang na maisasagawa mo upang mabawasan ang pagkakalantad ng iyong tahanan at sasakyan:

Sa tahanan:

Tiyaking 100% walang usok ang lahat ng panloob na kapaligiran ng iyong anak.

  • Ibig sabihin nito ay wala dapat gagamit ng sigarilyo, pipa, tabako, elektronikong sigarilyo, o marijuana anumang oras sa loob ng iyong tahanan o saan mang lugar kung saan nagpapalipas ng oras ang iyong anak. Kabilang dito ang tahanan ng mga kaibigan at pamilya, mga hotel, mga restoran at mga lugar ng libangan, at mga palaruan.
  • Tandaan na ang usok ay maaaring makapasok sa iyong tahanan, kaya huwag pahintulutan ang sinuman na manigarilyo sa labas malapit sa mga pinto, bintana, o mga sistema ng bentilasyon.
  • Kapag uupa ng apartment o bibili ng bagong bahay, magtanong tungkol sa paggamit ng tabako, e-cigarette, at marijuana ng mga dating residente. Isama ang iyong natutunan sa iyong pangkalahatang proseso ng pagpapasya.
  • Bago bumili ng isang bagay na ginamit na, tulad ng muwebles o damit; magtanong tungkol sa paggamit ng tabako, e-cigarette, at marijuana ng mga dating may-ari. Kung hindi mo malalaman, isaalang-alang ito sa iyong desisyong bumili.


Siguraduhin na ang mga nasa hustong gulang na gumugugol ng oras kasama ang iyong anak ay 100% walang usok, lalo na ang mga manggagawa sa pangangalaga ng bata. 

  • Kapag naninigarilyo ang mga tao, ang thirdhand smoke ay dumidikit sa kanilang mga damit, kamay, mukha, katawan, at buhok.
  • Hilingin sa sinumang naninigarilyo na maghugas ng kanilang mga kamay, maligo, at magpalit ng malinis na damit bago makihalubilo sa iyong anak.  


Maaaring maging napakahirap alisin ang thirdhand smoke mula sa mga panloob na kapaligiran, lalo na kung ang paninigarilyo ay naganap sa loob ng mahabang panahon. Depende sa laki ng naipong mga pollutant, maaaring kailanganin ang lubos na pagpapaayos ng bahay. Kung hindi mo maiiwasan na magpalipas ng oras ang iyong anak sa isang bahay na maaaring mayroong thirdhand smoke, may ilang hakbang na maaari mong gawin upang mabawasan ang pagkalantad ng iyong anak.

Mga mungkahi para mabawasan ang pagkalantad ng iyong anak kung sa paniniwala mo ay na-pollute ng thirdhand smoke ang isang panloob na kapaligiran.

  • Ang mga taong naninigarilyo ay maaaring magpasok sa iyong bahay ng tabakong dumikit sa kanilang balat, buhok, at damit, kahit na palagi silang naninigarilyo sa labas. Hikayatin silang maligo at magpalit ng malinis na damit kapag papasok sa loob pagkatapos manigarilyo.
  • Kung mayroon kang mga bagay na nagmula sa bahay ng isang naninigarilyo, lalo na ang mga damit, laruan, rug, o kumot, labhan nang husto ang mga ito o pag-isipang itapon ang mga ito. 
  • Maaari mong bawasan ang thirdhand smoke sa iyong tahanan sa pamamagitan ng (1) pagbubukas ng mga bintana para pahanginan ang mga silid bawat linggo, (2) regular na pagpupunas sa mga ibabaw gamit ang pinalabnaw na solusyon ng puting suka (diluted white vinegar solution), (3) madalas na pagpupunas ng alikabok, at (4) lingguhang pag-vacuum na may HEPA filter.
  • Regular na paglalaba ng mga kumot, kobre-kama at unan, at paglilinis ng mga laruan ng iyong anak.


Sa loob ng kotse:

Tiyakin na ang iyong anak ay naglalakbay sa 100% smokefree na mga kotse. 

  • Huwag pahintulutan ang paninigarilyo sa iyong sasakyan anumang oras, at huwag hayaang sumakay ang iyong anak sa sinumang nagpapahintulot ng paninigarilyo sa kanilang sasakyan. 
  • Kung bibili ka ng ginamit nang kotse, siguraduhing magtanong tungkol sa paninigarilyo ng mga dating may-ari. Halos imposibleng alisin ang thirdhand smoke sa mga sasakyan.


Sa kasamaang-palad, halos imposibleng alisin ang thirdhand smoke kapag ito ay nanuot na sa isang kotse. Kahit ang agresibong paglilinis ay hindi makakatanggal sa kotse ng mga nakalalasong kemikal. Ang mga maliliit na bata ay higit na nasa panganib ng pagkalantad. Kung hindi mo maiiwasan ang iyong anak na sumakay sa isang kotse na maaaring naglalaman ng thirdhand smoke, may ilang hakbang na maaari mong gawin upang mabawasan ang exposure ng iyong anak.

Mga mungkahi para mabawasan ang pagkalantad ng iyong anak kung sa paniniwala mo ay na-pollute ng nakalalasong thirdhand smoke ang isang kotse:

  • Kung ang iyong anak ay nasa loob ng isang kotse na na-pollute ng thirdhand smoke, buksan ang air-conditioning gamit ang "outside air mode." Tiyaking hindi mo lang pinaiikot (recirculate) ang hangin na nasa loob na ng iyong sasakyan; minsan kasi ito ang default setting sa isang kotse. Sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kotse ng hangin mula sa labas gamit ang air-conditioning, mababawasan mo ang konsentrasyon ng mga pollutant ng thirdhand smoke sa hangin na nasa loob ng kotse.
  • Huwag iwan ang pambatang upuan (child's car seat) sa loob ng kotse. Ilagay lamang ang car seat ng iyong anak sa kotse kapag gagamitin ito ng iyong anak. Kung mas kaunti lang ang oras na nasa loob ng kotse ang car seat, mas kaunting oras din ang pagkalantad nito sa nakalalasong thirdhand smoke.
  • Bago mo ipasok ang car seat sa kotse, maglagay ng malinis na tuwalya sa ilalim ng car seat. Ang tuwalya ay magsisilbing pisikal na hadlang sa pagitan ng upholstery ng kotse, na mayroong mga pollutant ng thirdhand smoke, at ng malinis na car seat ng bata.
  • Kapag tapos mo nang gamitin ang car seat, tanggalin ito at ang tuwalya. Punasan ang car seat ng pinaghalong suka at tubig at ilagay sa labahan ang tuwalya.
  • Hangga't maaari, limitahan ang oras ng pamamalagi ng iyong anak sa loob ng kotse.
  • Dahil maaaring makuha ng mga bata ang thirdhand smoke sa pamamagitan ng kanilang balat, magandang ideya na hugasan ang mga kamay at mukha ng iyong anak pagkatapos ng pagsakay sa kotse.


Ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong anak mula sa pagkalantad sa thirdhand smoke sa loob ng kotse ay ang (1) hindi pagsakay sa mga kotse kung saan may nanigarilyo na, (2) huwag hayaang manigarilyo ang sinuman sa loob ng iyong sasakyan, at (3) palaging humingi ng upahang kotse (rental car) na non-smoking—kung nakaamoy ka ng tabako sa rental car, humiling ng iba.

 

Na-update: Setyembre 2022

 

 

Mga Pinagkunan:

 

Fortmann, A. L., R. A. Romero, M. Sklar, V. Pham, J. Zakarian, P. J. Quintana, D. Chatfield and G. E. Matt (2010). Residual tobacco smoke in used cars: futile efforts and persistent pollutants. Nicotine Tob Res 12(10): 1029-1036.

 

Jacob III P, Benowitz NL, Destaillats H, Gundel L, Hang B, Martins-Green M, Matt GE, Quintana PJ, Samet JM, Schick SF, Talbot P. Thirdhand smoke: new evidence, challenges, and future directions. Chemical research in toxicology. 2017 Jan 17;30(1):270-94.

 

Kassem NO, Daffa RM, Liles S, Jackson SR, Kassem NO, Younis MA, Mehta S, Chen M, Jacob P 3rd, Carmella SG, Chatfield DA, Benowitz NL, Matt GE, Hecht SS, Hovell MF. Children’s exposure to secondhand and thirdhand smoke carcinogens and toxicants in homes of hookah smokers. Nicotine Tob Res. 2014 Jul;16(7):961-75. doi: 10.1093/ntr/ntu016. Epub 2014 Mar 3.

 

Kelley ST, Liu W, Quintana PJE, Hoh E, Dodder NG, Mahabee-Gittens EM, Padilla S, Ogden S, Frenzel S, Sisk-Hackworth L, Matt GE. Altered microbiomes in thirdhand smoke-exposed children and their home environments. Pediatr Res. 2021. Epub 2021/03/04. doi: 10.1038/s41390-021-01400-1. PubMed PMID: 33654287.

 

Mahabee-Gittens EM, Merianos AL, Hoh E, Quintana PJE, Matt GE. Nicotine on children’s hands: limited protection of smoking bans and initial clinical findings. Tob Use Insights. 2019;12:1-6. PMID: 30728727; PMCID: PMC6351963.

 

Mahabee-Gittens EM, Merianos AL, Jandarov RA, Quintana PJE, Hoh E, Matt GE. Differential associations of hand nicotine and urinary cotinine with children’s exposure to tobacco smoke and clinical outcomes. Environ Res. 2021;202:111722. Epub 2021/07/24. doi: 10.1016/j.envres.2021.111722. PubMed PMID: 34297932.

 

Matt GE, Fortmann AL, Quintana PJ, Zakarian JM, Romero RA, Chatfield DA, Hoh E, Hovell MF. Towards smoke-free rental cars: an evaluation of voluntary smoking restrictions in California. Tobacco control. 2013 May 1;22(3):201-7.

 

Matt GE, Quintana PJ, Hovell MF, Bernert JT, Song S, Novianti N, Juarez T, Floro J, Gehrman C, Garcia M, Larson S. Households contaminated by environmental tobacco smoke: sources of infant exposures. Tob Control. 2004 Mar;13(1):29-37. PubMed PMID:14985592.

 

Matt GE, P. J. Quintana, M. F. Hovell, D. Chatfield, D. S. Ma, R. Romero and A. Uribe (2008). Residual tobacco smoke pollution in used cars for sale: air, dust, and surfaces. Nicotine Tob Res 10(9): 1467-1475.

 

Northrup TF, Matt GE, Hovell MF, Khan AM, Stotts AL. (2015).  Thirdhand smoke in the homes of medically fragile children: Assessing the impact of indoor smoking levels and smoking bans. Nicotine Tob Res.2016;18(5):1290-8. Epub: 2015 Aug 26. doi:10.1093/ntr/ntv174. PubMed PMID:26315474.

 

Northrup TF, Stotts AL, Suchting R, Matt GE, Quintana PJE, Khan AM, Green C, Klawans MR, Johnson M, Benowitz N, Jacob P, Hoh E, Hovell MF, Stewart CJ. Thirdhand smoke associations with the gut microbiomes of infants admitted to a neonatal intensive care unit: An observational study. Environ Res. 2021;197:111180. Epub 2021/04/19. doi: 10.1016/j.envres.2021.111180. PubMed PMID: 33865820; PMCID: PMC8187318.

Kung may naninigarilyo sa labas, nagdadala ba siya ng thirdhand smoke kapag pumapasok sila sa bahay o kotse?

Ang thirdhand smoke ay ang kemikal na naiiwan mula sa usok ng tabako. Tinatawag din itong “tobacco smoke residue” o “stale tobacco smoke.” Ang mga kemikal sa thirdhand smoke ay nakakalason sa mga tao, lalo na sa mga bata. Ang thirdhand smoke ay maaaring magtagal nang maraming taon sa alikabok at sa mga ibabaw ng mga bagay sa bahay. Maaari din itong manuot sa mga carpet, muebles, kasuotan, at mga materyales ng gusali. Mahirap at mahal itong alisin.

Kapag ang isang taong naninigarilyo sa labas ay pumasok sa kotse o bahay, nagdadala siya ng thirdhand smoke. Kadalasan ay amoy-usok sila ng tabako. Ngunit kahit na hindi nila gawin, ang thirdhand na usok ay taglay pa rin ng kanilang mga damit, balat, buhok, at maging sa hininga na kanilang ibinubuga. Naaamoy natin ang usok ng tabako kapag ang mga kemikal ng thirdhand smoke ay inilabas sa hangin, isang prosesong kilala bilang off-gassing. Ilan sa mga kemikal na ito sa hangin ay natutukoy ng mga receptor ng amoy sa ating ilong, at sinasabi sa atin ng ating utak na ito ay ang hindi kanais-nais na amoy ng usok ng tabako.

Kapag ang latak ng tabako na ito ay ipinasok, ang mga epekto ay katulad din ng kapag ang isang tao ay humihithit ng sigarilyo sa loob ng kotse o bahay. Ang mga gas at particle ng tabako na dumikit sa mga kamay, damit, balat, at buhok ng naninigarilyo ay maaaring mailipat, dumikit, at sa huli ay manuot sa mga materyales at bagay. Sa iyong tahanan, kabilang dito ang mga carpet, dingding, muwebles, kumot, at mga laruan. Sa iyong sasakyan, kasama rito ang mga seat cover, manibela, sapin sa sahig, at liner ng kisame. Ang mga gas at particle ay maaari ding mailabas sa hangin at maipon sa alikabok. Bilang resulta, ang mga tao at mga alagang hayop ay maaaring malantad sa nakalalasong thirdhand smoke, kahit na walang nanigarilyo sa loob ng iyong sasakyan o bahay.

Upang mapanatiling walang nakalalasong latak ng tabako sa iyong tahanan, sabihin sa mga miyembro ng iyong pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa thirdhand smoke at tulungan silang isagawa ang mga hakbang na ito:

  1. Tanggalin ang mga damit na isinuot habang naninigarilyo bago pumasok sa bahay. Iwan ang mga ito sa labas ng balkonahe o patio hanggang sa malabhan. 
  2. Labhan ang mga damit na isinusuot habang naninigarilyo araw-araw upang maiwasan ang paglabas ng mga nakalalasong kemikal sa hangin.
  3. Palaging maghugas ng mga kamay at mukha nang napakaingat pagkatapos manigarilyo
  4. Hangga't maaari, maligo kaagad sa pagpasok sa bahay pagkatapos ng paninigarilyo upang alisin ang dumikit na usok ng tabako sa buhok at balat. Kung hindi posibleng maligo, hugasan nang mabuti ang mga kamay at mukha. 


Upang protektahan ang iyong kalusugan at kalusugan ng mga pasahero sa iyong kotse, hilingin sa taong nanigarilyo kamakailan na isagawa ang mga hakbang na ito bago sumakay sa iyong kotse:

  1. Hugasan ang kanilang mga kamay at mukha upang alisin ang dumikit na tabako sa kanilang balat.
  2. Magpalit ng malinis na damit.

Siguraduhing pasalamatan sila sa pagtulong na protektahan ka at ang iyong mga mahal sa buhay mula sa nakalalasong thirdhand smoke.

Na-update: Setyembre 2022

Mga Pinagkunan:

Fortmann A L, Romero RA, Sklar RA, Pham V, Zakarian J, Quintana JP, Chatfield D, Matt GE. Residual tobacco smoke in used cars: futile efforts and persistent pollutants. Nicotine Tob Res. 2010;12(10):1029-36.

Licina D, Morrison GC, Bekö  G, Weshler CJ, Nazaroff W. Clothing-mediated exposures to chemicals and particles. Environ. Sci. Technol. 2019; 53(10):5559-5575

Matt G E, Romero R, Ma DS, Quintana JP, Hovell MF, Donohue M, Messer K, Salem S, Aguilar M, Boland J, Cullimore J, Crane M, Junker J, Tassainario P, Timmermann V, Wong K, Chatfield D. Tobacco use and asking prices of used cars: Prevalence, costs, and new opportunities for changing smoking behavior. Tob Induc Dis. 2008; Jul 31; 4(1):2. doi: 10.1186/1617-9625-4-2. 

Matt GE, Quintana PJ, Hovell MF, Chatfield D, Ma DS, Romero R, Uribe A. Residual tobacco smoke pollution in used cars for sale: air, dust, and surfaces. Nicotine Tob Res. 2008;10(9):1467-75. doi: 10.1080/14622200802279898. 

Matt GE, Quintana PJ, Zakarian JM, Fortmann AL, Chatfield DA, Hoh E, Uribe AM, Hovell MF. When smokers move out and non-smokers move in: Residential thirdhand smoke pollution and exposure. Tob Control. 2011; 20(1):e1.

Northrup TF, Stotts AL, Suchting R, et al. Thirdhand Smoke Contamination and Infant Nicotine Exposure in a Neonatal Intensive Care Unit: An Observational Study. Nicotine Tob Res. 2021;23(2):373-382.

Sheu R, Stönner C, Ditto J, Klüpfel T, Williams J, Gentner D. Human transport of thirdhand tobacco smoke: A prominent source of hazardous air pollutants into indoor nonsmoking environments. Science Advances. 2020; 6(10):eaay4109

Quintana PJ, Matt GE, Chatfield D, Zakarian JM, Fortmann AL, Hoh E. Wipe sampling for nicotine as a marker of thirdhand tobacco smoke contamination on surfaces in homes, cars, and hotels. Nicotine Tob Res. 2013;15(9):1555-63. doi: 10.1093/ntr/ntt014.

The Thirdhand Smoke Resource Center gratefully acknowledges the API Initiative for their assistance with the translation of this content.

Question of the Week